Saturday, March 28, 2009

Sana Nakinig Ka.

Kinulong ko sarili ko sa palibot ng mga makinang umiilaw at may sariling buhay,
hindi sa tabi ng mahal ko sa buhay.
Hinihinga ko ang hangin mula sa maingay na makinang walang balak patayin,
hindi mula sa labas na bumuhay sakin.
Sinamahan kita sa pagtawid sa bawat araw na alam mong nagtagumpay ka.
Kinalimutan ang sarili kong mundo para maipakita sayo ang halaga mo.
Inalay ko sayo ang talentong binigay ng Diyos upang makapagpasaya ng kapwa tao.
Hindi para sakin, lalong hindi para sayo.
Malapit ko nang sabihing "hindi ko na kaya"
Hindi ako ang taong madaling sumuko.
Pero alam kong malapit na ko maubos.
Kailngan ko magtira para maging pundasyon para sa muling pagharap ko sa mundong tinalikuran ko para sayo.
Ang mundong kinatatakutan ko ngayon.
Alam kong hindi madali dun.
Alam kong di ko mararanasan sa mundong yun ang mga pinaranas mo sakin,
kaya nga gusto ko na umalis.
Para hindi na maranasan to.
Para hindi na masaktan sa ginagawa mo.
Sa pambabalewala mo.
Sa hindi pagpapahalaga ng mga sakripisyo ko para sayo.
Kakayanin kong mabuhay ng wala ka.
Kakayanin ko lumabas sa artipisyal na mundo kung saan pinagkasya ko ang sarili ko
kasama ng iilan pang pinipilit magtagal sa piling mo para lang mabuhay.
Gumising ka na.
Hindi habang panahon nasa ibabaw ka.
Hindi habang panahon, mabubuhay ako at sila para sayo.
Malapit na ko maubos.
Malapit na sila maubos.
Wag mong antayin ang panahon na sabihin mong,
Sana nakinig ka.

Wednesday, March 25, 2009

Wanna Piece ovme?


how would u react if someone tells u this?
1. Ang arte mo!
* maganda lang!

2. mas matalino naman ako sayo.
i doubt!

3. crush ako ng ex mo.
impossibleng kilala ka ni Lloydie!

4. am bobo mo pala sa History!
Isama mo pa Math, wala akong pake!

5. bilisan mo naman!
Demanding ka yaya?

6. ang sungit mo!
Ganyan kameng mga artistahin

7. Gusto mo ng away?
Hindi ako pumapatol sa mga kumakain ng putik.

8. takot ka ata sakin eh?
oo naman! itsura mong yan, nakakatakot talaga!

9. Mas mahal nia ko!
I know, basura siya at basurera ka, bagay kayo.

10. Ambababa naman ng grades mo!
* Marami akong pera, di ko kailngan ng Grades.

11. Mas magaling ako sayo!
*Alam ko, dahil di ka tao. HALIMAW KA!


WHAT IF SINABI SAYO ITO NG CRUSH MO?
1. crush kita
ay, katulad ka rin nila?

2.d kita maHaL..
hindi ko hinihingi opinyon mo kuya.

3. Mahal na kita
Sorry I'm taken. Sad noh?

4. pakopya namn ng assignment
* Sure, gusto mo ba ng Juice?

5. crush ko yung friend mo
*oh? mabaho kili-kili nya. as in! I swear!

6. pwede patabi sa upuan mo?
*kumandong ka pa!

7. cute mo magsmile.
* ahiiii (blush) di naman. kaasar ka talaga.

Tuesday, March 24, 2009

Jackpot

Pinipilit ko itago sa pagitan ng mga salita ang sakit narararamdaman ko para hindi maging sampal sayo.
Pagod na ako sa kakasigaw sa hangin.
Nirerespeto kita pero inuubos mo dignidad ko.
Hindi habang buhay ako lang ang papahid ng sariling luha ko gamit ang nanggigitatang panyo galing sayo.
Lakas nalang mula sa Panginoon ang nagtatawid sakin sa bawat araw na tinatapakan mo pagkatao ko.
Isa pa.
Jajackpot ka na.

Thursday, March 12, 2009

Sa Pagitan ng mga Bakal

Hindi mo siya maiintindihan
pagkat siya lang ang nakakaintindi sa sarili niyang huni.
Nakakulong sa hawlang ginto.
Kinaiiinggitan ng karamihan,
pagka't siya'y kaakit akit.
Ngunit sa pagitan ng mga hawla
ay nasisilayan niya ang makulay na mundo.
Nananaghoy.
Umiiyak.
Pagkat kailangang magkasya sa mundong ginawa mo para sa kanya.
Ikaw ang kanyang hangin.
Ikaw ang kanyang buhay.

Magugulat ka nalang isang araw,
paos na huni.
Kumupas na ang kariktan.
at gustong umalpas ng mga pakpak
na sabik sa magandang pangako
ng mundo sa pagitan ng mga bakal.

Saturday, March 7, 2009

Salamat

Di ko kailangan magpaliwanag pero magpapaliwanag ako.
Hindi normal ang buhay ko.
Opkors normal akong tao pero hindi bente kwatro oras ang tinatakbo ng orasan ko.
48 years siya.
milyon milyong keys ang pinipindont ko sa isang oras.
Daan daang tao ang nakakasama araw araw.
Shet!
Busy lang talaga ako.
Hindi ako makapag Blog.
Nagpapaliwanag talaga?????????
Yun lang.
Nasabi ko lang.

Pero I want you to know,
Nagpapaliwanag ako sayo dahil you deserve an explanation.
Inamag na ang comment mo na hindi ko manlang nabasa,
buti hindi uso ang panis na mensahe.
Na-inspire ako mag blog ulit dahil sayo.
Salamat.

Friday, March 6, 2009

Bentilador

Nagkakarera ang mga elesi.
Ilang sandali na ang lumipas ng pinindot ko ang "tres".
Hindi gumagalaw ang kurtinang
nkatabing sa bintanang napupuno ng alikabok.
Namumuong Alikabok.
Maalinsangan.
Maingay ang bentilador.
Ngunit ako lang ang nakakarinig.
Pagka't mahimbing ka
sayong magandang panaginip.
Patuloy kitang ipaghehele.
Babantayan.
Ngunit di magtatagal,
Mahihimbing din ako.
Sasayaw sa sariling mundo.
Alam kong wala ka don.
Ako lang.

Kwaderno

Bumili nanaman ako ng kwaderno. Pang-siyam sa mga nabili ko. Lahat malilinis.
Lahat nagaantay ng panulat na dadampi sa mga pahina.
Iniisip ko kung bakit.
Iniisip ko kung may mali ba sa sistema ko.
Kung nagsisisi ako bat di ko inayos pag aaral ko.
Kung nanghihinayang ako sa mga kwaderno na kinatamaran kong sulatan.

Hanggang kwaderno na rin ang sumagot sa tanong ko.
Panulat.
Kwaderno.
Hinahanap ko ang pagsusulat.
Sa kagustuhan kong masimulan muli,
Naghahanap ako ng magandang dahilan.

Mahirap palang kalimutan ang isang bagay na sa simula palang iyo nang kinagiliwan.
Pinagyaman.
Isang bagay na masasabi mong sayo,
pag-aari mo
ngunit kinalimutan mo dahil sa mga bagay na mas kailangang pag ukulan ng panahon.

Gusto ko muling sumulat.
Muling maramdaman ang daloy ng dugo at isipan.
Muling sumayaw sa saliw ng mga salita na kusang pumapadyak.
Kumakawala.
Sumisigaw.