Hindi mo siya maiintindihan
pagkat siya lang ang nakakaintindi sa sarili niyang huni.
Nakakulong sa hawlang ginto.
Kinaiiinggitan ng karamihan,
pagka't siya'y kaakit akit.
Ngunit sa pagitan ng mga hawla
ay nasisilayan niya ang makulay na mundo.
Nananaghoy.
Umiiyak.
Pagkat kailangang magkasya sa mundong ginawa mo para sa kanya.
Ikaw ang kanyang hangin.
Ikaw ang kanyang buhay.
Magugulat ka nalang isang araw,
paos na huni.
Kumupas na ang kariktan.
at gustong umalpas ng mga pakpak
na sabik sa magandang pangako
ng mundo sa pagitan ng mga bakal.
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
1 comment:
ow shet. ang lalim. kailangan kong basahin ng 3 beses bago ko maintindihan. sorry ngayon ko lang nabasa tong mga bago mong post. pero binibisita ko rin yung multiply mo. hindi lang ako makapag-comment. pati mga friends mo sa multiply na-explore ko na rin.
Post a Comment