Wednesday, September 16, 2009

Madungis na Kalendaryo

Bumalik nanaman ang madungis na kalendaryo...
Narinig ko nanaman ang impit na hikbi mo,
di kita kaya patahanin.
Gaya ng dati, Hinayaan lang kita.
Di kayang malinis ng luha ang dumi,
di rin yun makakabawas ng hapdi...
... pero naiintindihan kita.
Patuloy kang babangungutin sa iyong pag-iisa,
pabalik-balik hanggang sa huling hininga.
Iiyak mo nalang ang sakit,
wala ka namang ibang magagawa.
Makikinig nalang ako sa mahina mong hagulgol,
at ipagdarasal na mabawasan ang pag-ikot ng madungis na kalendaryo.

2 comments:

Anonymous said...

masyadong malalim ang nilalaman ng mga sinabi mo, pero di lang ikaw ang may ganyan karanasan sayong lumang kalendaryo isipin mong may mas madungis pang kalendaryo ang iba kesa sayo...di mahalaga ang nakaraan, mas importante yung bukas at hinaharap na susuuungin mo.mabuhay ka sa hinaharap wag sayong pangit na nakaraan.itapon mo na ang iyong lumang kalendaryo at mag umpisa kang magmarka ng maganda sa malinis na kalendaryo ng buhay mo.

WoM said...

thanks for taking sometime reading this crap lol naiintindihan ko ang sinasabi mo, and believe me, that's what I always tell myself over and over again but sometimes, tears involuntarily fall and pain is inevitable but true enough I'm heading for the future and the past did not make me less of a person, it actually made me stronger. Thanks for the kind words I appreciate it so much... i promise, I will mark the calendar of this new life that I'm heading.