Wednesday, November 25, 2009

Motor

Pag alam mong sesemplang ka, wag ka daw bibitiw sa motor dahil mas masasaktan ka, pero pag malalaglag sa creek ang motor, tumalon ka na, ang sabi ko naman mas gusto ko lumangoy sa creek, di pa din ako bibitaw sa motor. Kaso nawawala yung motor ko. Hindi ko alam kung babalik pa. Sana nga. Ayoko maabutan ng dilim dito mag-isa.

Monday, October 19, 2009

Hawak Kamay

Sa matarik na bundok na inakyat ko, nalaglag ako. Dahan dahan akong bumababalik pataas para kunin ang naiwang pagkatao ko. Masakit sa kamay ang matitigas na batong kinakapitan ko. Paminsan minsan dumudugo din palad ko. Nagulat ako isang araw, hawak mo na kamay ko. Sinasamahan sa pag-akyat mula sa balong kinahulugan ko. Hawak kamay umaakyat tayo. Hawak kamay, ramdam ko ang pag-iingat mo. Hawak kamay tayo at masaya ako. Kahit alam kong pagdating sa dulo, itutulak mo din ako.

Wednesday, September 16, 2009

ANG MGA SAGOT KO AY KATHANG ISIP KO LAMANG... MALAYO PO ITO SA TUNAY KONG PAGKATAO (EEECHHHOOOSS!!)

ANONG GAGAWIN MO PAG:

1. May lumapit sayo at nagpa-autograph?
edi magbibigay ng autograph! nakakagulat ba yun? (eeeeccchoooooosssss!)

2. Bigla kang hinalikan ng close/best friend mong opposite sex?
sasabihin ko.
"bakla ka, sa lapad ng mukha ko napagkamalan mo pa ding pisngi ang labi ko?" (patay malisya mode?)

3. Binigyan ka ng nanay mo ng 100pesos at sinabing umalis ka na at mabuhay ka na mag-isa?
wow sosyal!
"mom, hindi ko matatanggap ang halagang to. Ipang paaral mo nalang yan sa kapatid ko!"

4. Pinuntahan ka ng crush mo sa bahay mo?
syempre magsusuot muna ako ng bra! :P

5. Dinare kang magyosi?
ok lang basta gawin nya yung dare ko ... "lunukin mo ang upos."

6. Nalaman mong 1 month ka nalang pwedeng mabuhay...
edi magsisimula na ko humingi ng abuloy. harhar

7. Binackstab ka ng kaibigan mo?
it's ok. naiintindihan ko siya.
Takot lang nya saksakin ako paharap. :P

8. Inalok ka ng GMA7 para sa isang commercial?
I'm sorry, I cant....
baka idemanda ako ng abs-cbn.

9. Hinabol ka ng aso?
lulunok ng bato at sisigaw ng "SAYONATSI!!!!"
SAYO NA TSInelas ko TAKBO!!!

10. Sumemplang ka sa harap ng crush mo?
titingin ako sa kanya ng dahan dahan at sasabihing...
"wala na akong ibang maisip na paraan para mapansin mo ko......" (wohoooooo luupet!)

** QUOTABLE QUOTES PART AHEAD.**


ANONG IREREPLY MO PAG SINABIHAN KA NG:
(shet cheesy mode itu)

1. “bat hanggang ngayon inde ka pa rin maka move on?"
"NUNG UMALIS SIYA, DALA DLA NIYA ANG PUSO KO? HOW CAN YOU EXPECT ME TO MOVE ON?" ( naks may bant pang english)

2. “bakit ka ba layo ng layo sakin?"
""PARA HINDI MO AKO MATUTUNANG MAHALIN" (BWAHAHAHAHA ANG GANDA KO SHET!)

3. “pwede bang maging tayo?”
"SANA NALAMAN KO NA DARATING KA SA BUHAY KO, DI SANAY... NAGHINTAY AKO" (LOL)

4. “naiinggit ako sayo”
"I CANT BLAME YOU..."

5. “sana kasi hindi ka nang-iiwan diba?”
"PINANGANAK KA PARA MAGING SUNOD SUNURAN SAKIN... WAG KANG CHOOSY!"

6. “ang manhid mo..”
HINDI AKO MANHID! HINDI KA LANG MARUNONG MAG ANTAY!" (asuuuuusss!)

7. “punta tayo sa mall! nuod tayo sine?"
"WALANG MAGANDANG PALABAS NGAYON. DITO NALANG TAYO SA BAHAY, NOOD TAYO NG DVD.. SOLO PA NATIN ANG GABI" (amputik! hahahaha)

8."mahal na mahal kita...sana tandaan mo yan"
SA BAWAT HIBLA NG BUHOK KO... BAWAT PATAK NG DUGO KO... BAWAT TIBOK NG PUSO KO, RAMDAM KO ANG PAGMAMAHAL MO... " (WOHOOOOOO!)

Madungis na Kalendaryo

Bumalik nanaman ang madungis na kalendaryo...
Narinig ko nanaman ang impit na hikbi mo,
di kita kaya patahanin.
Gaya ng dati, Hinayaan lang kita.
Di kayang malinis ng luha ang dumi,
di rin yun makakabawas ng hapdi...
... pero naiintindihan kita.
Patuloy kang babangungutin sa iyong pag-iisa,
pabalik-balik hanggang sa huling hininga.
Iiyak mo nalang ang sakit,
wala ka namang ibang magagawa.
Makikinig nalang ako sa mahina mong hagulgol,
at ipagdarasal na mabawasan ang pag-ikot ng madungis na kalendaryo.

...

...
Umaandar pa rin pala ang orasan na bigay Niya...
Masyado akong naging maligalig... naging masaya...
Hindi ko na alam kung ako ang may hawak ng tadhana,
o ang tadhana ang may hawak sakin...
Sakto lang ang pagmamameho,
mawala man bukas, nakatapak ako ngayon sa kung saan dapat nakapuwesto...
May mga baitang pang aakyatin,
Marami pang aral na dapat intindihin...
Pero habang umaandar ang orasan,
mararating ko din ang dapat kong marating...
Pasasaan bat makakamtam ko din,
ang nakalaan para sakin...
...

Sunday, August 30, 2009

Abet is my Bet!

Marami nang dumating dito, pero siya lang ang naka Vespa!


Sino bang hindi nakakakilala sa kanya?




Isang macho-gwapito-medium-sized hunk na nagsusulong ng pagbabago. Sa kanyang kaarawan ay inaanyayahan nya tayong lahat upang umangkas sa byahe patungo sa pagbabago.


Buksan ang ating mga mata upang lumiwanag ang kalsada at makita natin ang tamang pagboto. Higpitan ang kapit sa ating paninindigan at sama sama tayo sa byahe patungo sa ikabubuti ng bansang ito. Hawak natin ang susi. Babyahe tayo at magsisimula ito sa araw na to!



Abet *rolleyes* Rana. Hindi sya tatakbo dahil hindi sya politiko. Ngunit sa kanyang kaarawan, ipagmamaneho niya tayo. Hahawakan nya ang manibela na may adhikaing bigyang ng bagong mukha ang pagiging isang responsableng Pilipino. Sama sama nating panoorin ang sulyap sa byahe ng kaibigan nating ito.

Sa karawan mo Abet, Aangkas din ako!






Maligayang kaarawan Abet!!! Hangad naming lahat ang tagumpay ng iyong paglalakbay.

Tuesday, April 21, 2009

Sana Walang Sana

Sana tinuruan mo ang puso mo noon,
para ako ang kasama mo ngayon.
Sana minahal mo din ako noon,
para di ka nasaktan ng ganyan ngayon,
Sana sinubukan mo,
para nabigay ko ang lahat ko.
Sana naalagaan kita.
Sana hindi kita pinakawalan.
Sana di ko sinabi sayo noon,
para di ako mahihiyang ulitin yun ngayon.
Sana di ka na bumalik,
para nakuntento ako sa panaginip...
na kasama ka...
masaya...
walang panghihinayang...
walang sana.

Monday, April 6, 2009

pak palitiks.

Kakauwi ko lang galaing sa madugong kasalan.
Medyo balikgtad pa sikmura ko dahil malayo layo ang byaheng tagaytay.
Matutulog na sana ako, nood muna ng tv sandali.
Eto agad nakita ko.


"ako po si Carla, andito na po si ------ -----."
at sumigaw na ang mga tao.
"*(*&^&%^&&**(! )(*&*(&*&*!)"


Wala akong pinapanigang politiko, pero kailngan ba talaga gumamit ng bata na walang alam?
TAMA BA NAMAN YUN?
Por Dyos porsanto, ganung edad ako pinoproblema ko lang pano ako manghihingi at bibigyan ng piso na nanay ko.
WTF.

Pak, palitiks poreber.

Saturday, March 28, 2009

Sana Nakinig Ka.

Kinulong ko sarili ko sa palibot ng mga makinang umiilaw at may sariling buhay,
hindi sa tabi ng mahal ko sa buhay.
Hinihinga ko ang hangin mula sa maingay na makinang walang balak patayin,
hindi mula sa labas na bumuhay sakin.
Sinamahan kita sa pagtawid sa bawat araw na alam mong nagtagumpay ka.
Kinalimutan ang sarili kong mundo para maipakita sayo ang halaga mo.
Inalay ko sayo ang talentong binigay ng Diyos upang makapagpasaya ng kapwa tao.
Hindi para sakin, lalong hindi para sayo.
Malapit ko nang sabihing "hindi ko na kaya"
Hindi ako ang taong madaling sumuko.
Pero alam kong malapit na ko maubos.
Kailngan ko magtira para maging pundasyon para sa muling pagharap ko sa mundong tinalikuran ko para sayo.
Ang mundong kinatatakutan ko ngayon.
Alam kong hindi madali dun.
Alam kong di ko mararanasan sa mundong yun ang mga pinaranas mo sakin,
kaya nga gusto ko na umalis.
Para hindi na maranasan to.
Para hindi na masaktan sa ginagawa mo.
Sa pambabalewala mo.
Sa hindi pagpapahalaga ng mga sakripisyo ko para sayo.
Kakayanin kong mabuhay ng wala ka.
Kakayanin ko lumabas sa artipisyal na mundo kung saan pinagkasya ko ang sarili ko
kasama ng iilan pang pinipilit magtagal sa piling mo para lang mabuhay.
Gumising ka na.
Hindi habang panahon nasa ibabaw ka.
Hindi habang panahon, mabubuhay ako at sila para sayo.
Malapit na ko maubos.
Malapit na sila maubos.
Wag mong antayin ang panahon na sabihin mong,
Sana nakinig ka.

Wednesday, March 25, 2009

Wanna Piece ovme?


how would u react if someone tells u this?
1. Ang arte mo!
* maganda lang!

2. mas matalino naman ako sayo.
i doubt!

3. crush ako ng ex mo.
impossibleng kilala ka ni Lloydie!

4. am bobo mo pala sa History!
Isama mo pa Math, wala akong pake!

5. bilisan mo naman!
Demanding ka yaya?

6. ang sungit mo!
Ganyan kameng mga artistahin

7. Gusto mo ng away?
Hindi ako pumapatol sa mga kumakain ng putik.

8. takot ka ata sakin eh?
oo naman! itsura mong yan, nakakatakot talaga!

9. Mas mahal nia ko!
I know, basura siya at basurera ka, bagay kayo.

10. Ambababa naman ng grades mo!
* Marami akong pera, di ko kailngan ng Grades.

11. Mas magaling ako sayo!
*Alam ko, dahil di ka tao. HALIMAW KA!


WHAT IF SINABI SAYO ITO NG CRUSH MO?
1. crush kita
ay, katulad ka rin nila?

2.d kita maHaL..
hindi ko hinihingi opinyon mo kuya.

3. Mahal na kita
Sorry I'm taken. Sad noh?

4. pakopya namn ng assignment
* Sure, gusto mo ba ng Juice?

5. crush ko yung friend mo
*oh? mabaho kili-kili nya. as in! I swear!

6. pwede patabi sa upuan mo?
*kumandong ka pa!

7. cute mo magsmile.
* ahiiii (blush) di naman. kaasar ka talaga.

Tuesday, March 24, 2009

Jackpot

Pinipilit ko itago sa pagitan ng mga salita ang sakit narararamdaman ko para hindi maging sampal sayo.
Pagod na ako sa kakasigaw sa hangin.
Nirerespeto kita pero inuubos mo dignidad ko.
Hindi habang buhay ako lang ang papahid ng sariling luha ko gamit ang nanggigitatang panyo galing sayo.
Lakas nalang mula sa Panginoon ang nagtatawid sakin sa bawat araw na tinatapakan mo pagkatao ko.
Isa pa.
Jajackpot ka na.

Thursday, March 12, 2009

Sa Pagitan ng mga Bakal

Hindi mo siya maiintindihan
pagkat siya lang ang nakakaintindi sa sarili niyang huni.
Nakakulong sa hawlang ginto.
Kinaiiinggitan ng karamihan,
pagka't siya'y kaakit akit.
Ngunit sa pagitan ng mga hawla
ay nasisilayan niya ang makulay na mundo.
Nananaghoy.
Umiiyak.
Pagkat kailangang magkasya sa mundong ginawa mo para sa kanya.
Ikaw ang kanyang hangin.
Ikaw ang kanyang buhay.

Magugulat ka nalang isang araw,
paos na huni.
Kumupas na ang kariktan.
at gustong umalpas ng mga pakpak
na sabik sa magandang pangako
ng mundo sa pagitan ng mga bakal.

Saturday, March 7, 2009

Salamat

Di ko kailangan magpaliwanag pero magpapaliwanag ako.
Hindi normal ang buhay ko.
Opkors normal akong tao pero hindi bente kwatro oras ang tinatakbo ng orasan ko.
48 years siya.
milyon milyong keys ang pinipindont ko sa isang oras.
Daan daang tao ang nakakasama araw araw.
Shet!
Busy lang talaga ako.
Hindi ako makapag Blog.
Nagpapaliwanag talaga?????????
Yun lang.
Nasabi ko lang.

Pero I want you to know,
Nagpapaliwanag ako sayo dahil you deserve an explanation.
Inamag na ang comment mo na hindi ko manlang nabasa,
buti hindi uso ang panis na mensahe.
Na-inspire ako mag blog ulit dahil sayo.
Salamat.

Friday, March 6, 2009

Bentilador

Nagkakarera ang mga elesi.
Ilang sandali na ang lumipas ng pinindot ko ang "tres".
Hindi gumagalaw ang kurtinang
nkatabing sa bintanang napupuno ng alikabok.
Namumuong Alikabok.
Maalinsangan.
Maingay ang bentilador.
Ngunit ako lang ang nakakarinig.
Pagka't mahimbing ka
sayong magandang panaginip.
Patuloy kitang ipaghehele.
Babantayan.
Ngunit di magtatagal,
Mahihimbing din ako.
Sasayaw sa sariling mundo.
Alam kong wala ka don.
Ako lang.

Kwaderno

Bumili nanaman ako ng kwaderno. Pang-siyam sa mga nabili ko. Lahat malilinis.
Lahat nagaantay ng panulat na dadampi sa mga pahina.
Iniisip ko kung bakit.
Iniisip ko kung may mali ba sa sistema ko.
Kung nagsisisi ako bat di ko inayos pag aaral ko.
Kung nanghihinayang ako sa mga kwaderno na kinatamaran kong sulatan.

Hanggang kwaderno na rin ang sumagot sa tanong ko.
Panulat.
Kwaderno.
Hinahanap ko ang pagsusulat.
Sa kagustuhan kong masimulan muli,
Naghahanap ako ng magandang dahilan.

Mahirap palang kalimutan ang isang bagay na sa simula palang iyo nang kinagiliwan.
Pinagyaman.
Isang bagay na masasabi mong sayo,
pag-aari mo
ngunit kinalimutan mo dahil sa mga bagay na mas kailangang pag ukulan ng panahon.

Gusto ko muling sumulat.
Muling maramdaman ang daloy ng dugo at isipan.
Muling sumayaw sa saliw ng mga salita na kusang pumapadyak.
Kumakawala.
Sumisigaw.