Monday, October 19, 2009

Hawak Kamay

Sa matarik na bundok na inakyat ko, nalaglag ako. Dahan dahan akong bumababalik pataas para kunin ang naiwang pagkatao ko. Masakit sa kamay ang matitigas na batong kinakapitan ko. Paminsan minsan dumudugo din palad ko. Nagulat ako isang araw, hawak mo na kamay ko. Sinasamahan sa pag-akyat mula sa balong kinahulugan ko. Hawak kamay umaakyat tayo. Hawak kamay, ramdam ko ang pag-iingat mo. Hawak kamay tayo at masaya ako. Kahit alam kong pagdating sa dulo, itutulak mo din ako.

2 comments:

Anonymous said...

pano kung yung taong kahawak kamay mo ngayon e dating nahulog din sa balon? siguro talagang naghintay din sya sa taas para mahanap ang isang tulad mo,siguro may dahilan kung bakit sabay kayong nakarating sa itaas....mahulog ka man uli sa balong pinang galingan mo siguro na kasama mo sya dahil hawak kamay nyong sasalubungin lahaty ng pagsubok..

WoM said...

oo nga. ang mahalaga naman dun pareho kameng nakarating sa taas. magkatulukan man, atleast sinubukan namin at naging masaya kame ayt??? :)