Wednesday, April 14, 2010

CARAMOAN TRIP

ABRIL 1-4 2010
yeeeyy!!

Tuesday, March 23, 2010

TRIP TO BAGUIO



Ako at ang matalik kong kaibigan na si Len ay nagpasyang magpalamig sa Baguio para makahinga mula sa sunod sunod na trabaho sa kamaynilaan. HARHAR

eto ang kinalabasan.
MARCH 19-21 2010



umalis kame ng alas Dose ng gabi sa opis ng Threelogy sa QC para tumungo sa Terminal ng victory Liner



Umandar ang bus ng Victory Liner ng eksaktong alan una ng madaling araw. (430 php ang tiket ng ordinary aircon bus Manila-Baguio)



Dumating kame sa Baguio ng pasado alas syete ng umaga at agad na sumakay ng taxi papunta sa Hotel Veniz na aming tutuluyan.

*Flat rate ng taxi ay 25 php kaya naman 30 php lang ang binayaran namin hanggang hotel dahil hindi ito masyado malayo sa terminal.

*dahil regular day 1,295 php per night lang ang binayaran namin sa Junior standard na kwarto. Malinis, maganda, may tv, blower, heater, kape, sabon, shampoo, twalya, tsinelas at dalawang kama na masarap higaan :D



dahil alas syete na ng umaga, try naman namin mag almusal kahit di pa kame natutulog. Sa MCdo, para maiba naman.. try namin kung iba lasa ng breakfast meals ng Mcdo sa Baguio :D



at nilibot ang session road para maghanap ng famous ukay ukay, syempre wala kame alam sa Bgauio malay ba namin na wala pa masyadong bukas kaya nagcheck kame ng iba pang pwede punatahan.




dahil di kame nakapag ukay, at napag alaman namin na malapit lang ang SM Baguio sa Session road, pumunta na rin kame pero dahil mag aalas nuebe pa lang ng umaga (tanga mode nanaman) sarado pa ang SM. (Malay ba namin na parehas din ang bukas ng SM Baguio sa mga SM sa Manila hahaha) Kaya bumalik nalang kame sa Hotel at nagpahinga sa masarap na kama. Wag mo na itanong anong lasa!


Nagising kame ng tanghali at sandaling minasdan ang ganda ng view mula sa pip floor ng Veniz. (may ganun?)



at dumaan ng ORCHIDARIUM at BURNHAM PARK na di naman malayo sa aming tinutuluyang Hotel.



Pagkatapos nun, syempre tanghali na kaya bukas na ang SM sa wakas! hahaha





at umikot sa palibot ng hotel at nakabili ng masarp na Yogurt (25php) at one fourth kilo ng strawberry (20php) dahil season. :)








ng gumabi na... gimik mode na sa Alberto's Baguio :D




Kinabukasan:
Dahil may complimentary na breakfast kame, pumunta kame sa 3rd floor kung saan naroon ang Veniz Cafe, duon pala naghihintay ang aming Buffet Breakfast yumyum :)







Dahil meron kameng MAPA (hindi ng kayamanan kundi ng mga pupuntahan) agenda namin ang puntahan ang Botanical Garden. Medyo malayo layo sya ng konti sa Veniz kaya 80 php binayaran namin sa taxi. (mahal na yun sa Baguio)








at dahil sa Botanical Garden namin nakita ang mga pinaka murang pasalubong, dun na kame namili :)



Medyo, mabigat ang mga bitbit namin kaya umuwi muna kame sa Hotel at agad kameng pumunta sa lugar kung saan pinaka nag ENJOY kame. Dahil season ng strawberry, hindi pwedeng hindi kame mamitas ng matatamis na STRAWBERRIES!












MARAMING MARAMING STRAWBERRIES!!!


Syempre marami nanaman kameng bitbit kaya umuwi muna kame sa Hotel bago pumunta sa MINE'S VIEW PARK.




Inabot kame ng dilim at hindi masyado maganda abutin ng dilim dahil medyo konti ang taxi na umaakyat sa Mine's View. Naglakad kame ng may takot at kaba pababa, nakisabay sa ibang naglalakad at hinhintay kung san kame pupulutin hanggang wala pa kameng nakikitang taxi. Hindi nagtagal nakasakay din kame, nag dinner, nanood ng pelikual, in short sinagad ang binayad namin sa hotel saka natulog at gumising kinabukasan para umuwi sa mainit na Maynila. hahahahaha



HANGGANG SA MULING PAGKIKITA, CIAO BAGUIO! :)

Monday, January 18, 2010

Ciara Sotto Wedding, My First Celebrity Wedding!

Ok, Im a video Editor in Threelogy. Thank God, he gave me the talent. (wow talent!)
For more than 2 years, di na din biro ang dame ng wedding na nagawa ko.
Pers taym na celebrity ginawa ko. Syempre proud ako!!! weeeeeehhhh

Here's Jojo Oconer and Ciara Sotto's Wedding.

Wednesday, November 25, 2009

Motor

Pag alam mong sesemplang ka, wag ka daw bibitiw sa motor dahil mas masasaktan ka, pero pag malalaglag sa creek ang motor, tumalon ka na, ang sabi ko naman mas gusto ko lumangoy sa creek, di pa din ako bibitaw sa motor. Kaso nawawala yung motor ko. Hindi ko alam kung babalik pa. Sana nga. Ayoko maabutan ng dilim dito mag-isa.

Monday, October 19, 2009

Hawak Kamay

Sa matarik na bundok na inakyat ko, nalaglag ako. Dahan dahan akong bumababalik pataas para kunin ang naiwang pagkatao ko. Masakit sa kamay ang matitigas na batong kinakapitan ko. Paminsan minsan dumudugo din palad ko. Nagulat ako isang araw, hawak mo na kamay ko. Sinasamahan sa pag-akyat mula sa balong kinahulugan ko. Hawak kamay umaakyat tayo. Hawak kamay, ramdam ko ang pag-iingat mo. Hawak kamay tayo at masaya ako. Kahit alam kong pagdating sa dulo, itutulak mo din ako.

Wednesday, September 16, 2009

ANG MGA SAGOT KO AY KATHANG ISIP KO LAMANG... MALAYO PO ITO SA TUNAY KONG PAGKATAO (EEECHHHOOOSS!!)

ANONG GAGAWIN MO PAG:

1. May lumapit sayo at nagpa-autograph?
edi magbibigay ng autograph! nakakagulat ba yun? (eeeeccchoooooosssss!)

2. Bigla kang hinalikan ng close/best friend mong opposite sex?
sasabihin ko.
"bakla ka, sa lapad ng mukha ko napagkamalan mo pa ding pisngi ang labi ko?" (patay malisya mode?)

3. Binigyan ka ng nanay mo ng 100pesos at sinabing umalis ka na at mabuhay ka na mag-isa?
wow sosyal!
"mom, hindi ko matatanggap ang halagang to. Ipang paaral mo nalang yan sa kapatid ko!"

4. Pinuntahan ka ng crush mo sa bahay mo?
syempre magsusuot muna ako ng bra! :P

5. Dinare kang magyosi?
ok lang basta gawin nya yung dare ko ... "lunukin mo ang upos."

6. Nalaman mong 1 month ka nalang pwedeng mabuhay...
edi magsisimula na ko humingi ng abuloy. harhar

7. Binackstab ka ng kaibigan mo?
it's ok. naiintindihan ko siya.
Takot lang nya saksakin ako paharap. :P

8. Inalok ka ng GMA7 para sa isang commercial?
I'm sorry, I cant....
baka idemanda ako ng abs-cbn.

9. Hinabol ka ng aso?
lulunok ng bato at sisigaw ng "SAYONATSI!!!!"
SAYO NA TSInelas ko TAKBO!!!

10. Sumemplang ka sa harap ng crush mo?
titingin ako sa kanya ng dahan dahan at sasabihing...
"wala na akong ibang maisip na paraan para mapansin mo ko......" (wohoooooo luupet!)

** QUOTABLE QUOTES PART AHEAD.**


ANONG IREREPLY MO PAG SINABIHAN KA NG:
(shet cheesy mode itu)

1. “bat hanggang ngayon inde ka pa rin maka move on?"
"NUNG UMALIS SIYA, DALA DLA NIYA ANG PUSO KO? HOW CAN YOU EXPECT ME TO MOVE ON?" ( naks may bant pang english)

2. “bakit ka ba layo ng layo sakin?"
""PARA HINDI MO AKO MATUTUNANG MAHALIN" (BWAHAHAHAHA ANG GANDA KO SHET!)

3. “pwede bang maging tayo?”
"SANA NALAMAN KO NA DARATING KA SA BUHAY KO, DI SANAY... NAGHINTAY AKO" (LOL)

4. “naiinggit ako sayo”
"I CANT BLAME YOU..."

5. “sana kasi hindi ka nang-iiwan diba?”
"PINANGANAK KA PARA MAGING SUNOD SUNURAN SAKIN... WAG KANG CHOOSY!"

6. “ang manhid mo..”
HINDI AKO MANHID! HINDI KA LANG MARUNONG MAG ANTAY!" (asuuuuusss!)

7. “punta tayo sa mall! nuod tayo sine?"
"WALANG MAGANDANG PALABAS NGAYON. DITO NALANG TAYO SA BAHAY, NOOD TAYO NG DVD.. SOLO PA NATIN ANG GABI" (amputik! hahahaha)

8."mahal na mahal kita...sana tandaan mo yan"
SA BAWAT HIBLA NG BUHOK KO... BAWAT PATAK NG DUGO KO... BAWAT TIBOK NG PUSO KO, RAMDAM KO ANG PAGMAMAHAL MO... " (WOHOOOOOO!)

Madungis na Kalendaryo

Bumalik nanaman ang madungis na kalendaryo...
Narinig ko nanaman ang impit na hikbi mo,
di kita kaya patahanin.
Gaya ng dati, Hinayaan lang kita.
Di kayang malinis ng luha ang dumi,
di rin yun makakabawas ng hapdi...
... pero naiintindihan kita.
Patuloy kang babangungutin sa iyong pag-iisa,
pabalik-balik hanggang sa huling hininga.
Iiyak mo nalang ang sakit,
wala ka namang ibang magagawa.
Makikinig nalang ako sa mahina mong hagulgol,
at ipagdarasal na mabawasan ang pag-ikot ng madungis na kalendaryo.