Saturday, March 28, 2009

Sana Nakinig Ka.

Kinulong ko sarili ko sa palibot ng mga makinang umiilaw at may sariling buhay,
hindi sa tabi ng mahal ko sa buhay.
Hinihinga ko ang hangin mula sa maingay na makinang walang balak patayin,
hindi mula sa labas na bumuhay sakin.
Sinamahan kita sa pagtawid sa bawat araw na alam mong nagtagumpay ka.
Kinalimutan ang sarili kong mundo para maipakita sayo ang halaga mo.
Inalay ko sayo ang talentong binigay ng Diyos upang makapagpasaya ng kapwa tao.
Hindi para sakin, lalong hindi para sayo.
Malapit ko nang sabihing "hindi ko na kaya"
Hindi ako ang taong madaling sumuko.
Pero alam kong malapit na ko maubos.
Kailngan ko magtira para maging pundasyon para sa muling pagharap ko sa mundong tinalikuran ko para sayo.
Ang mundong kinatatakutan ko ngayon.
Alam kong hindi madali dun.
Alam kong di ko mararanasan sa mundong yun ang mga pinaranas mo sakin,
kaya nga gusto ko na umalis.
Para hindi na maranasan to.
Para hindi na masaktan sa ginagawa mo.
Sa pambabalewala mo.
Sa hindi pagpapahalaga ng mga sakripisyo ko para sayo.
Kakayanin kong mabuhay ng wala ka.
Kakayanin ko lumabas sa artipisyal na mundo kung saan pinagkasya ko ang sarili ko
kasama ng iilan pang pinipilit magtagal sa piling mo para lang mabuhay.
Gumising ka na.
Hindi habang panahon nasa ibabaw ka.
Hindi habang panahon, mabubuhay ako at sila para sayo.
Malapit na ko maubos.
Malapit na sila maubos.
Wag mong antayin ang panahon na sabihin mong,
Sana nakinig ka.

No comments: