Sana tinuruan mo ang puso mo noon,
para ako ang kasama mo ngayon.
Sana minahal mo din ako noon,
para di ka nasaktan ng ganyan ngayon,
Sana sinubukan mo,
para nabigay ko ang lahat ko.
Sana naalagaan kita.
Sana hindi kita pinakawalan.
Sana di ko sinabi sayo noon,
para di ako mahihiyang ulitin yun ngayon.
Sana di ka na bumalik,
para nakuntento ako sa panaginip...
na kasama ka...
masaya...
walang panghihinayang...
walang sana.
Showing posts with label poems. Show all posts
Showing posts with label poems. Show all posts
Tuesday, April 21, 2009
Subscribe to:
Posts (Atom)
